400,000 mga manggagawa mula sa tourism sector, posibleng makakatanggap na ng CAMP – DOLE

Inaasahang nasa 400,000 pang manggagawa mula sa tourism sector ang makikinabang sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay, sa kalahating milyong beneficiaries ng program ay nasa 171,000 pa lang sa nasabing sektor ang nabigyan ng ayuda.

Dagdag pa ng opisyal, mahigit isang milyong empleyado na rin mula sa formal sector ang una nang nakakuha ng CAMP program.


Ang CAMP ay one-time financial assistance na nagsisilbing safety net sa mga manggagawa sa formal sector.

Facebook Comments