415,040 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng UK sa Pilipinas, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang donasyon ng United Kingdom (UK) sa Pilipinas na 415,040 doses ng AstraZeneca vaccines.

Kabilang sa sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Assistant Sec. Jaime Victor Ledda ng DFA European Affairs Office at si UK Ambassador to the Philippines Daniel Pruce.

Ito ang unang batch ng mga bakunang donasyon ng British government sa mga mahihirap na bansa


Ang naturang mga bakuna ay ginawa ng Oxford Biomedica sa Oxford at ang packaging naman ay sa Wrexham, North Wales.

 

Facebook Comments