Bumaba ng sampung porsyento ang bilang ng mga naputukan sa buong rehiyon 12 kasabay ng pagsalubong at pagdiriwang ng bagong taon, itoy ayon sa impormasyong ipinarating sa RMN Cotabato ni Jenny Ventura, information officer ng Department of Health 12.
Base sa data ng DOH 12 as of 6 AM ngayong araw, nakapagtala ng 43 kaso ng firecracker related injuries sa buong rehiyon, 2 mula sa Gensan, 1 sa Sultan Kudarat, 5 sa North Cotabato, 4 sa Saranggani, 31 mula sa South Cotabato habang zero mula sa Cotabato City.
Tatlumput syam rito ay mga lalaki 4 ay mga babae, 26 ang mga kabataan habang 17 ay adults, 29 ang active users 14 ang passive, 12 ang nagtamo ng eye injuries habang isa ang naputulan ng daliri.
Kabilang sa mga ginamit na mga paputok ng mga ito ay kwitis, fountain, piccolo, 5 Star, Boga, at triangle. Sampu sa mga naging sugatan ay kasalukuyang nasa pagamutan pa rin.
Samantala, sa Cotabato City, nagpasalamat si Mayor Cynthia Guiani sa pakikiisa ng publiko sa kanilang kampanya na ipagdiwang ng ligtas ang pagsalubong ng 2018. Ito na ang ikalawang taon na walang may naitala firecracker related injuries sa syudad.