43% ng mga Pilipino, nakikitang lalala pa ang kanilang buhay sa sususnod na dalawang buwan

Inaasahan na ng 43% ng mga working age Filipino na lalala ang kanilang buhay sa susunod na labing-dalawang (12) buwan.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), ang naitalang net optimism score ay ang pinakamataas na percentage sa kanilang 37-year history.

24% naman ang nagsabing mananatili ang kalidad ng kanilang buhay habang 24% rin ang umaasang bubuti ang kanilang buhay.


Nabatid na na-break ng 43% ng mga tinatawag na “pessimists” ang dating pinakamataas na record na 34% noong March 2005.

Habang ang 24% na “optimists” ay apat na puntos lamang na mas mataas kaysa sa 20% record noong October 2000 at March 2005.

Isinagawa ang survey mula May 4 hanggang May 10, 2020, sa 4,010 respondent na nasa edad 15 pataas.

Facebook Comments