44 DONOR NAMAHAGI NG DUGO SA BLOODLETTING DRIVE SA MAPANDAN

Apatnapu’t apat na donor ang matagumpay na nakapagbigay ng dugo sa ikinasang blood letting drive sa bayan ng Mapandan bilang bahagi ng ika-apat na quarter ng Blood Donation Program ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Mapandan Rural Health Unit (RHU) sa pakikipagtulungan ng Pangasinan Provincial Hospital Blood Bank upang mapanatili ang sapat at ligtas na suplay ng dugo sa bayan.

Nakiisa rin sa programa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang suporta sa mga inisyatibang pangkalusugan ng munisipyo.

Ayon sa tala, umabot sa 56 ang mga nagparehistrong donor, kung saan 44 ang pumasa at nakapagbigay ng dugo.

Kabilang sa mga lumahok ang mga kawani ng pamahalaan, Barangay Health Workers (BHW), at mga regular na donor na patuloy na tumutugon sa pangangailangan ng suplay ng dugo para sa mga pasyente.

Facebook Comments