44 Katao, Timbog sa Kampanya Kontra Iligal na Sugal

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 44 katao sa kabila ng pinaigting na kampanya ng pulisya kontra sa illegal gambling sa buong Region 2.

Batay sa datos, 40 katao ang naaresto ng pulisya sa Probinsya ng Cagayan sa kabila ng Province-wide Enhanced Police Operation.

Ayon sa pahayag ni PCol. Ariel Quilang, Provincial Director, 14 ang naaktuhang nagsasagawa ng iligal na ‘tupada’, 18 naman sa iligal na pagsusugal gamit ang baraha habang 4 naman ang mahjong.


Nabatid na 3 sa 40 katao ang tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.

Samatala, nakapagtala naman ng 4 katao ang nahuli sa aktong naglalaro ng mahjong sa Bayan ng Mallig, Isabela.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Nagpaalala naman si Regional Director PBGen. Angelito Casimiro sa publiko na hindi titigil ang kapulisan sa kampanya laban sa iligal na sugal.

Facebook Comments