444 Pinoy sa Coronavirus-hit MV Grand Princess, makakauwi na sa bansa

Makakauwi na sa Pilipinas ang kabuuang 444 na mga Pilipino mula sa Coronavirus-hit MV Grand Princess sa Oakland, Calironia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakakuha na ng health clearances ang mga Pinoy matapos ang ginawang pagsusuri ng U.S. Department of Health and Human Services.

Inaasahang bukas ay darating sa bansa ang 438 crew members at anim na pasahero ng barko.


Lalapag sa haribon hangar sa Clark Airbase, Pampanga ang sasakyan nilang eroplano.

Sunod silang isasakay sa mga chartered bus at ididiretso sa Athelte’s Village sa New Clark City para sa 14-day quarantine period.

Una rito, 13 Pilipino mula cruise ship ang dinala sa health facilities sa US matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ang natitirang 91 Filipino crew members ay boluntaryo namang nagpaiwan sa barko.

Facebook Comments