5 COVID-19 patients sa pilipinas, naka-recover na

Limang Coronavirus patients sa Pilipinas ang naka-recover na.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, kabilang sa mga gumaling na ang dalawang Chinese tourist o sina patient number 1 at 3.

Nakabalik na rin sila sa China.


Ayon sa Kalihim, inaabot ng hanggang anim na linggo bago maka-recover ang isang pasyenteng may COVID-19.

At kahit mabuti na ang kondisyon, hindi pa rin nila maidedeklarang “recovered” ang kaso hangga’t hindi nagne-negatibo sa sakit ang pasyente.

Sa ngayon, nasa 111 na ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa bansa kung saan walo na ang nasawi.

Ngayong araw din nang nasawi ang isang empleyado ng Kamara at Konsehal ng Tayasan, Negros Oriental dahil sa COVID-19.

Facebook Comments