44th NDPR week, isinagawa sa Taguig City

Inihayag ng Taguig City Government na sa ikalawang araw ng programang may kaugnayan sa selebrasyon ng 44th National Disabilities Prevention and Rehabilitation (NDPR) week, kung saan mahigit sa 50 residente na mayroong visual disabilities ang dumalo sa ginanap na Home Management Training on Disaster Risk Reduction and Earthquake Drills sa Center for the Eldery sa Lakeshore Complex, Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), ang lahat ng mga dumalo sa nasabing programa ay nabigyan ng first aid kits na naglalaman ng alcohol, gauze bands, at panglinis ng mga sugat.

Nagkaroon din sila ng karagdagang kaalaman o skills na makatutulong sa pagliligtas ng kanilang mga sarili sa panahon ng sakuna.


Paliwanag ng LGU ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay patuloy sa paglikha ng mga programa, Polisiya, at serbisyong tutugon sa pangangailangan ng mga may kapansanan.

Facebook Comments