45 Big Ticket Infrastructure Projects, makakatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila

Halos 45 Big-Ticket Infrastructure Projects sa ilalim ng Build Build Build Program ang makakatulong upang mapaluwag ang trapiko ng Metro Manila.

Ayon kay Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, layunin din ng mga proyektong ito na konektahin ang bansa mula Hilaga hanggang Timog.

Aniya, 75% ng mga proyekto ay inaasahang matatapos kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.


Kabilang sa mga proyektong ito ay ang Metro Manila Skyway Stage 3, Harborlink, C5 Southlink Expressway, NLEX-SLEX Connector, at Cavite-Laguna Expressway.

Ang iba pang proyekto na iprinisinta ng kalihim ay Binondo-Intramuros Bridge, Estrella-Pantaleon Bridge, Bonifacio Global City-Ortigas Center link road project, South East Metro Manila Expressway, C6 Phase 1, Cavite Toll Expressway, Apayao-Ilocos Norte Roadm at Bauang-San Fernando City-San Juan Bypass Road sa La Union.

Tiniyak ni Villar na maibabalik ang orihinal na kapasidad ng EDSA.

Nilinaw ng DPWH na kahit matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay patuloy na gugulong ang mga proyekto.

Facebook Comments