Cauayan City, Isabela-Tumanggap ng Tilapia Fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang indibidwal na nag-aalaga ng isda sa lungsod ng Cauayan sa pamamagitan ng City Agriculture Office katuwang ang Isabela Provincial Government.
Layunin ng programa ang matulungan ang mga nag-aalaga ng tilapia sa lungsod kung saan apatnaput limang katao mula sa labintatlong (13) barangay ang nabiyayaan nito.
Ayon sa BFAR, nakabase sa laki ng sukat ng fishpond ang pamimigay ng tilapia fingerlings.
Samantala, mayroon ding insurance na matatanggap ang mga nag-aalaga ng isda na nakaranas ng fish kill mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Sa susunod na mga buwan, magpapamahagi rin ng libreng fingerlings ang ahensya para sa iba pang karapat-dapat na mabiyayaan nito sa ilalim ng programa.
Facebook Comments