Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 45 bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela ngayong araw, Marso 5, 2021.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 45 new covid-19 cases, ang dalawampu’t lima (25) rito ay naitala sa bayan ng Cabagan; lima (5) sa bayan ng Gamu; lima (5) sa Lungsod ng Santiago; dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa Tumauini; isa (1) sa Echague, San Manuel, San Mateo, Sta Maria, at Sto Tomas.
Mayroon namang dalawampu (20) na naitalang gumaling sa sakit na ngayo’y aabot na sa 4, 875 ang total recovered cases.
Sa kasalukuyan, nasa 461 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela at mayroon namang 107 na COVID-19 related death.
Umaabot naman sa 5,443 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Mula naman sa bilang ng aktibong kaso, 409 rito ay Local Transmission; tatlumpu’t isa (31) na health workers; labing apat (14) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at pito (7) na kasapi ng PNP.