Kandidatura sa pagka-pangulo ni Senator Ping Lacson, suportado ng PNP Retirees Association Inc.

Suportado ng mga miyembro ng Board of Directors of the PNP Retirees Association, Inc. (PRAI) ang kandidatura ng dating Chief ng Philippine National Police (PNP) at Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa pamamagitan ng paglagay ng kanilang kaliwang kamao sa dibdib sa isang pulong sa Bohol ay ipinakita ng mga ito ang suporta kay Lacson.

Sa November 20 nakatakdang maghalal ng bagong opisyal ang PRAI.


Si Lacson ng Partido Reporma ay tumatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 election ka-tandem si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng Nationalist People’s Coalition.

Facebook Comments