46 na bag ng Dugo nalikom sa Blood Letting Activity ng RMN Foundation Inc.

Dagupan City – Naging matagumpay ang isinagawang Blood Letting Activity ng Radio Mindanao Network, 104. 7 iFM Dagupan katuwang at ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter kahapon sa CSI The City Mall dagupan City.

46 na bag ng dugo ang nalikom sa isinagawang aktibidad na galing sa ibat-ibang ahensya na nakiisa sa hangarin na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

Ayon kay Raymond Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter, bagamat walang kakulangan sa Dugo ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter nais umano na matulungan ang mga maapektuhan ng sakit na dengue sa pagpasok ng tag-ulan.


Aniya wala dapat ikatakot sa pagdodonate ng dugo sapagkat tinutulungan nitong maging malusog ang ating katawan at ito’y maaaring isagawa every after 3 months.

Ayon naman kay Raphael Soriano,isa sa mga blood donor, residente ng Sison Pangasinan, isang first timer sa pagdodonate ng dugo, hindi na niya pinalampas pa ang pagiging isang bayani sapagkat nais umano nitong makatulong sa nangangailangan.

Samantala, pinasalamatan naman ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ang iFM Dagupan at RMN Foundation sa pagiging daan upang mas marami pang mahikayat na donor.

Facebook Comments