Tumatanggap ng 1. 1 milyong pisong halaga ng free range chicken ang panibagong batch ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program sa lalawigan ng Pangasinan.
46 na benepisyaryo na mula sa Agno, Aguilar, Burgos at Sta. Barbara ang nakinabang sa 1, 618 na dekalb free-range chicken mula sa Department of Agriculture.
Layunin nito na mabigyan ng kabuhayan ang mga nagbabalik probinsiya sa pamamagitan ng agri-business. Dumaan sa pagsasanay ang mga benepisyaryo bago pa man i-turn over sa kanila ang mga manok.
Ang BP2 ay bahagi ng estratehiya ng pamahalaang nasyonal upang magkaroon ng balanseng pag-unlad sa lahat ng rehiyon, masiguro ang kaginhawaan sa mga pook-rural, at mapainam ang mga inisyatibo tungo sa pagkamit sa matatag at malalagong komunidad.|ifmnews
Facebook Comments