47 Bagong Kaso ng COVID-19, Naitala sa Region 02; Total Cases Umakyat sa 1,447

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan muli ng 47 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang bilang ng mga positive patients sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 02 as of September 19, 2020, mula sa 47 na bagong kaso ay pito (7) sa probinsya ng Cagayan, isa (1) sa Lungsod ng Santiago at tatlumput walo (38) sa Nueva Vizcaya.

Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa COVID-19 ay naka-home quarantien habang ang iba ay nasa LGU Quarantine facility.


Sa kabila ng pagkakatala ng mga bagong positibong kaso sa rehiyon dos, nasa 34 naman ang gumaling sa sakit na kinabibilangan ng tatlong (3) mga pasyente mula sa probinsya ng Cagayan, labing apat (14) sa Isabela, at labing pito (17) sa Nueva Vizcaya.

Pero, nakapagtala naman ng isang (1) casualty o namatay na COVID-19 positive sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa ngayon, sumampa na sa 1,447 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cagayan Valley, 502 rito ang aktibo, 922 ang total recoveries at 23 ang total deaths.

Nananatili namang COVID-19 free ang probinsya ng Batanes.

Facebook Comments