47 Barangay sa Lambak ng Cagayan, Isolated pa rin

Cauayan City, Isabela- Nananatiling isolated ang 47 barangay sa Lambak ng Cagayan dahil pa rin sa nangyaring malawakang pagbaha dulot ng Typhoon Ulysses.

Sa pinakahuling datos ng Police Regional Office (PRO) 2, apatnapu’t anim (46) sa limang (5) bayan sa Cagayan ang naitalang isolated dahil sa baha habang isang (1) barangay sa Lalawigan ng Isabela.

Sa 46 na barangay sa Cagayan, isolated pa rin sa baha ang barangay Batu sa bayan ng Enrile, ang brgy San Miguel, Taytay, Bitag-Grande, San Jose, Mabini, Bagunot, Tanguigui, Masical, Caruppian, Bunugan, San Vicente at Canagatan sa bayan ng Baggao.


Labing-apat (14) na barangay naman ang isolated sa bayan ng Amulung na kinabibilangan ng barangay Palacu, Bauan, Baccuit, Dafunganay, Logung, Alitungtung, Goran, Agguirit, Unag, Tana, Pacac Grande, Pacac Pequeño at Masical.

Mayroon din walo (8) na isolated s*a bayan ng Alcala* na kinabibilangan ng Damurog, Pagbangkeruan, Pinopoc, Calantac, Afusing Bato, Malalatan, Abbeg at Cabuluan.

*Sa bayan ng Lal-lo* ay nakakaranas pa rin ng baha ang brgy San Antonio, Fabrica, Sto Niño, Naguma, Sta Felicitas, Tamucco, Matalao, Abarioangan Uneg, Abariongan Ruar, Calapangan at Calassitan.

Tanging ang baragy Malagapay sa bayan ng Sto. Tomas sa Isabela naman ang nananatilinmg isolated.

Samantala, passable na sa kasalukuyan ang mga pambansang lansangan at tulay mula sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya hanggang sa Sta. Praxedez, Cagayan.

Facebook Comments