Nahandugan ng libreng kasal ang apatnapu’t-pitong mga magkasintahan sa bayan ng Tayug kamakailan lamang.
Saklaw ng naganap na libreng kasalan ay ang naipagkaloob ding libreng singsing sa bawat magkasintahan, wedding cake, wedding dove at wedding wine.
Bahagi ng nasabing programa ang kompetisyon ng “longest kiss” kung saan ang nanalong mag-asawa ay nakatanggap ng kabuuang halaga na tatlumpung libong piso o P30, 000. Ginawaran din ang pares na mag-asawang may pinakamaraming anak, at ang mag-asawang pinakamatanda.
Pinangunahan naman ang nasabing seremonya ng alkalde ng bayan at nilahukan ng ilan pang opisyales ng lokal na pamahalaan ng Tayug at ikaanim na distrito ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments