BUY BUST OPERATION SA MANGALDAN, NAUWI SA ENGKWENTRO

Nauwi sa engkwentro ang sanay isang Buy Bust Operation na ikinasa ng mga otoridad sa bayan ng Mangaldan.
Pasado alas tres ng Hapon ng ikasa ang nasabing Buy Bust Operation laban sa isang lalaking nasasangkot sa Illegal Drugs sa Brgy. Bari sa nasabing bayan.
Sakay ng Isang SUV ang suspek at may kasamang tatlong iba na lumapit sa mga operatiba ng PNP.

Nang mag aabutan na sana ng Buy Bust Money at shabu ay nakahalata ang target dahilan para sumigaw ito na Pulis ang kanilang ka transaksyon.
Nang palapit na ang mga Pulis ay agad naglabas ng baril ang kasamang driver ng target at agad na pinaulanan ng bala ang mga Pulis.
Sa kabutihang palad ay walang natamaan sa mga Pulis at dito na nagpaputok din ng baril ang mga kapulisan.
Kasabay ng palitan ng putok ay pinakaripas ng driver ng SUV ang kanilang sasakyan papuntang direksyon ng bayan ng Mapandan.
Agad namang nakipag ugnayan Ang PNP Mangaldan sa mga kalapit bayan na nagresulta sa pagkaka diskubre sa sasakyang gamit ng mga suspek sa bayan ng Mapandan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspek na kasama ng target sa Buy Bust maging ang sasakyan na ginamit ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments