Aabot sa apatnaput pito (47) na mga mangingisda mula sa Ilocos Region ang matagumpay na nakatanggap ng kanilang fuel subsidy cards.
May kabuuang dalawamput dalawa (22) na magsasaka sa Pangasinan, at dalawamput lima (25) mula sa La Union ang tumanggap ng fuel subsidy cards alinsunod sa naging launching ng Fuel Subsidy for Farmers and Fisherfolk Program ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ang mga mangingisda na rehistrado sa Fish and Boat registry systems ng BFAR, ang tumanggap ng discount cards na may lamang P3, 000 worth of fuel na lahat ng cards na ito umano ay tinatanggap sa lahat ng major gasoline stations.
Sa ilalim ng programa, may kabuuang 4,552 na mangingisda mula sa buong Rehiyon I ang makakatanggap ng subsidy. Sa mga ito, 1,899 ay mula sa Pangasinan, 968 mula sa La Union, 1,107 mula sa Ilocos Sur at 578 mula sa Ilocos Norte. | ifmnews