471 na Pulis sa PRO ARMM napromote!

Kahapon isinagawa ang Simultaneous Mass Oath Taking, Donning and Pinning of Ranks sa mga Newly Promoted Police Commissioned Officers (PCO) at Non-Commissioned Officers (PNCOs) sa Camp Salipada K Pendatun Parang Maguindanao.
Labing-tatlo (13) ang napromote isa ranggong Police Chief Inspector, anim (6) sa Senior Inspector at walo (8 )sa Police Inspector. Samantalang, Labing-pito (17) sa SPO4, Labing-walo (18) sa SPO3, Isang daan at apatnaputpito (147) sa SPO2, apatnaput-tatlo (43) sa SPO1, isang daan walumput-walo (188) sa PO3 at tatlumput-apat (34) sa po2 na may kabuuang, apat naraan at pitumput-isa (471) ang napromote. Sa talumpati ni Police Chief Superintendent Graciano Mijares Regional Director ng PRO ARMM ay binati nya ang mga napromote at pinaalalahanan na dahil tumaas ang kanilang responsabilidad ay mas lalo pang pagbutihin ang serbisyo sa taong bayan. (PRO ARMM)

Facebook Comments