48 Barangay sa City of Ilagan, Isinailalim sa Localized lockdown

Cauayan City, Isabela- Inilagay sa ‘localized lockdown’ ang 48 barangay ng City of Ilagan sa Isabela dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay alinsunod sa Executive Order no. 44 na nilagdaan ni Mayor Josemarie Diaz.

Nakasaad sa kautusan ang pagsasailalim sa pitong (7) araw na lockdown na magsisimula mamayang alas-8:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng gabi ng August 28, 2021.


Kinabibilangan ito ng mga barangay Alibagu, Baligatan, Calamagui 1st, Calamagui 2nd, Osmeña, Guinatan, Camunatan, San Vicente,Sta.Barbara, Baculod, Bagumbayan,Centro Pobalcion, Bliss Village, Cabannugan 1st, Cabannugan 2nd, Lullutan, Naguilian Sur, Malasin, Mangcuram, Sta. Isabel Sur, Malalam, Fugu, Aggasian, Centro San Antonio, Cabisera 3, Cabisera 22, Cabisera 9-11, Cabisera 17-21, Cabisera 7, Alinguigan 2nd, Marana 1st, Marana 3rd, San Andres, San Isidro, Manaring, Rugao, Bangag, Morado, Fuyo, Sto. Tomas, San Felipe, Capo, Tangcul, Marana 2nd, Alinguigan 1st, Alinguigan 3rd, Sipay at Arusip.

Batay sa datos as of August 22, 2021, mayroon ng 117 active cases ang lungsod habang marami pa ang isasailalim sa swab test matapos magpositibo sa antigen test.

Kaugnay nito, nasa 6.93% ang Average Daily Attack Rate at 122.05% ang 2-week growth rate sa loob ng August 8-22, 2021.

Dahil dito, hihigpitan ang paglabas ng mga residente maliban nalang sa mga kakailanganing bumili ng mga basic essentials.

Ipinatupad rin ang curfew hours mula alas-otso ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga habang umiiral ang lockdown.

Samantala, tiniyak ng LGU ang pamamahagi ng food packs sa mga residente sa loob ng pitong (7) araw na lockdown.

Paalala ng LGU sa publiko na sumunod sa health protocol para makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments