*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa kabuuang 492 na chainsaw na walang kaukulang permit ang nakumpiska at isinuko sa pulisya ng Lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Provincial Director P/Col. Ariel Quilang ng Cagayan Police Provincial Office, ito ay bahagi ng kanilang mahigpit na kampanya kontra sa illegal logging sa lalawigan.
Nakumpiska ang mga kagamitan dahil sa ginawang pakikipag usap ng kapulisan sa mga opisyal ng barangay na nagresulta ng pagsuko sa mga nasabing kagamitan.
Dagdag pa nito, mananatiling nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang mga chainsaw pero maaari lamang makuha ito ng mga residente kung magsesecure sila ng permit mula sa DENR bago isauli ang kanilang kagamitan.
Sinabi naman Forester Mario Hipolito ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) na laganap sa lalawigan ang pagsusunog ng mga residente sa mountainous areas para gawing agricultural lands.
Gayunman, sinabi ni Hipolito na patuloy ang koordinasyon ng apat na PNREOs ng lalawigan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mapangalagaan ang kagubatan.
Kabilang rito ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa kada komunidad na may kinalaman sa forest protection.