Narekober ng Manila Police District (MPD) ang 835 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 5.7 milyong piso sa kanilang ikinasang dalawang magkahiwalay na operasyon sa Maynila.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, isinagawa ang drug operation sa San Miguel nitong October 4 at sa Tondo nitong October 5.
Pitong drug suspek ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon.
Unang isinagawa ang operasyon sa 153 Marayag Street, Barangay 648 San Miguel, na naging dahilan ng pagkakaaresto ng isang 67 anyos na si Nasfira Nassir Abdulla kung saan nakuha sa kanya ang 16 transparent plastic sachets na may lamang 735 grams ng shabu.
Habang sa operasyon sa Tondo nakuha ang 100 grams na shabu at naaresto ang anim na drug suspek.
Inutos na ni PNP chief ang mas malalim na imbestigasyon sa operasyon para maaresto ang mga kasamahan ng mga naaresto.