5 ahensya ng gobyerno na prayoridad imbestigahan ng binuong task force sa pangunguna ng DOJ, pinangalanan na

Pinangalanan na ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang limang ahensiya ng gobyerno na prayoridad imbestigahan ng binuong task force sa pangunguna ng DOJ kaugnay sa mga anomalyang nagaganap sa mga ito.

Ayon kay Guevarra, kinabibilangan ito ng;

Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)
Department of Public Works and Highways (DPWH)
Bureau of Customs (BOC)
Bureau of Internal Revenue (BIR)
Land Registration Authority (LRA)


Umaasa naman si Guevarra na magbubunga ang gagawing imbestigasyon ng task force sa mga susunod na buwan para masugpo ang katiwalian sa gobyerno.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na walang magaganap na overlapping sa trabaho ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang malawakang imbestigasyon na gagawin.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ito nangangahulugang dismayado ang Pangulo sa effort ng ibang ahensya na nag-iimbestiga ng korapsyon sa pamahalaan.

Tanging prayoridad lang kasi aniya ni Pangulong Duterte ang pagsupo sa korapsyon sa huling dalawang taon nito sa termino.

Facebook Comments