5 anyos bata patay matapos mabaril ng kanyang 7 anyos na pinsan

26

Dead on arrival sa isang pagamutan ang isang 5 anyos na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng holen gun ng kanyang 7 anyos na pinsan sa Parang Maguindanao.

Sinasabing naglalaro ang magpinsan sa kanilang tahanan sa Brgy Gumagadong Calawag pasado alas dose kahapon ng tanghali ng mangyari ang insidente ayon pakay Col. Ibrahim Jambiram hepe ng Parang Municipal Police Station sa naging panayam ng DXMY.


Sinasabing pagmamay-ari ng isang 17 anyos na binatilyo na nakakatandang kapatid laman ng napaslang na bata ang Holen Gun . Napaglaruan aniya ito ng mga bata, naitutok at naiputok dire diretso sa ulo ng singko anyos na bata dagdag pa ni Col. Jambiran.

Kaugnay nito, ikinalungkot ng mga kapulisan ang sinapit ng nasawing bata kasabay ng pagpapaalala sa publiko lalo na sa mga taga Parang na mariing ipinagbabawal ang paggamit ng Improvised Toygun o holen gun.

Facebook Comments

From Advertisers