Isang Kilong Suspected Shabu nakumpiska sa dalawang naaresto sa Marawi City

Arestado ng PDEA BARMM ang dalawang drug suspects sa ikinasang operasyon sa Marawi City.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Marawi Poblacion pasado alas tres kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Alexander Dayondong Aliponto , negosyante residente ng Tamparan Lanao Del Sur at Adam Pandiin alias Titing residente ng Marawi City.
Nakumpiska mula sa mga ito ang higit isang kilong suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 6.8 million pesos
Naaresto ang mga suspects ng pinagsanib na pwersa ng PDEA BARMM, Marawi City Police Station, 103rd Brigade ,1403rd Regional Mobile Force Company at Maritime Group
PDEA BARMM pic

Facebook Comments