5 Barangay sa bayan ng San Manuel, Isinailalim sa ECQ at MECQ Status

Cauayan City, Isabela- Ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) status sa ilang barangay ng bayan ng San Manuel na kinabibilangan ng mga Barangay Caraniogan, Sandiat Centro, Sandiat East at Sandiat West dahilan upang iklasipika ito bilang ‘Critical Zone’ habang ang Barangay Agliam ay isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na tatagal hanggang March 13.

Ito ay batay sa Executive Order no. 6 series of 2021 na nilagdaan ni Mayor Manuel Faustino Dy.

Bukod dito, iklinasipika naman sa ‘Buffer zone’ ang Purok Namnama ng Barangay Villanueva at ipinatupad ang General Community Quarantine (GCQ) habang ang nalalabing barangay ay naiklasipika sa ‘Area Outside Buffer Zone’ at isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).


Samantala, limitado naman ang paglabas ng mga residente sa lugar maliban sa mga APOR (Authorized Persons Outside Residence) na kinabibilangan ng Government Employees, Barangay Officials, Private Employees gayundin ang mga Magsasaka na may bukirin.

Dahil dito, isang miyembro ng pamilya ang papayagan lamang lumabas ng bahay para bumili ng essential goods subalit kakailanganin na kumuha ng quarantine pass at health declaration mula sa barangay.

Kabilang rin sa papayagang lumabas ang mga Palay Traders na may transaksyon lamang sa loob ng bayan ng San Manuel habang ang mga nagmamay-ari ng sari-sari stores ay isang beses kada linggo lang papayagang lumabas para mamili ng paninda at huli ang mga residente na mangangailangan ng serbisyong medikal subalit kakailanganin ng mga ito na mag-self isolate pagdating ng kani-kanilang bahay.

Mahigpit namang ipagbabawal ang ilang uri ng Mass Gathering gaya ng Wedding, Birthday, Baptism, STL betting, Faith Healing, Drinking Spree at Videoke; Ambulant Vendors/Rolling Stores, Constructions Activities, Drying in Public Places (palay traders), Inbound Palay traders, Beauty Parlor/Salon maging ang lahat ng uri ng contact sports gayundin ang pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin.

Ipapatupad naman ang Curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Mananatili naman ang ‘Wake Burial’ subalit kailangan na maiburol sa loob ng tatlong (3) araw at ikaapat (4) na araw ang paglilibing sa mga namayapang mahal sa buhay.

Nabatid na naitala ng San Manuel ang kauna-unahang COVID-19 Death case na isang 78-anyos na lalaki matapos bawian ng buhay dahil sa Community Acquired Pneumonia Severe in relation to COVID.

Facebook Comments