Ilang ospital sa bansa, naghahanda na sa pagdating ng Sinovac

36

Naghahanda na ang ilang ospital sa pagdating at pagtanggap ng unang batch ng Sinovac vaccines.

Nabatid na kabilang sa unang makakatanggap ng mga bakuna ang Philipine General Hospital (PGH) sa Maynila.


Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, bagama’t 12% lang ng kanilang mga frontliner ang nagpahayag ng kagustuhang mabakunahan ng Sinovac vaccine, sasamantalahin aniya ng ospital ang oportunidad na makuha ang unang batch ng mga bakuna.

Isasagawa ang pagbabakuna sa UP Atrium.

Samantala, naka-standby na rin ang Veterans Memorial Medical Center para sa pagdating ng Sinovac.

Kabilang rin ang mga frontliner ng Armed Forces of the Philippines sa mga makakatanggap ng bakuna.



Facebook Comments