Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tulong pinansyal ang limang (5) benepisyaryo ng Balik Probinsya Bagong Pag-Asa (BP2) Program sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Ilagan City, Cauayan City, Sta Maria, at Roxas, Isabela.
Sa naturang programa, umabot sa P150,750.00 ang kabuuang halaga ng pera para sa food at non-food items na kanilang kailangan habang ang kanilang pamilya ay nasa yugto ng paglipat sa kanilang hometowns/relocation areas.
Ang programa ng BP2 ay isa sa mga hakbang sa suporta ng gobyerno na maaaring humantong sa decongestion o mga komunidad na mahirap sa lunsod kung saan naitala ang isang mataas na insidente ng COVID-19.