*Cauayan City, Isabela*- Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong katao kabilang ang 19 anyos na binata matapos mahuli sa iligal na droga sa isang hotel sa Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.
Kinilala ang mga suspek na sina Rusty Jay Mariano, 29 anyos, binata, isang draftsman; Luzielle Tinaza, 32 anyos, walang asawa at Adrian Pagarigan, 19 anyos at kapwa mga residente ng Quezon City, Metro Manila.
Ayon sa imbestigasyon ng Roxas Police Station, nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng PDEA- Isabela, PDEA-Quirino, PDEA Apayao at PDEA Kalinga na nagresulta ng pagkakakumpiska ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Narekober sa pag iingat ng tatlo ang limang (5) bricks ng Marijuana Dried Leaves; MOL 20 grams ng pinaniniwalaang dried marijuana stalks; dalawang (2) pakete ng hinihinalang tatlong gramo ng Marijuana; isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang (1) gramo at mga drug paraphernalia.
Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang tatlong suspek.