Cauayan City, Isabela- Sinimulan na ngayon ang limang (5) araw na aktibidad ng 142nd Special Action Company (SAC) ng Philippine National Police Special Action Force na tinawag na 14th Special Action Battalion Mamang Pulis at Aleng Pulis Capability Enhancement Training sa Community Center, Poblacion, Tumauini, Isabela.
Pinangunahan naman ni PMAJ. Roldan T. Portera, ang Commander ng 142nd SAC.
Kaugnay nito, pormal na binuksan ni Mayor Arnold Bautista ng bayan ng Tumauini ang nasabing pagsasanay.
Unang programa na ginawa ay ang Human Rights Lecture na pinangunahan ni PLT. Kerwin Mabazza habang PCpl. Levi Jones Angyoda sa Basic First Aid.
Facebook Comments