Palasyo, may apela sa publiko kasunod nang pag-arangkada bukas ng local campaign period

Umaapela ang MalacaƱan sa lahat ng kandidato at sa publiko na panatilihin pa rin ang pagsunod sa health at safety protocols na itinatakda ng Commission on Elections sa pagdaraos ng kampanya.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa harap ng pagsisimula ng local campaign period simula bukas, March 25, 2022.

Ayon kay Andanar, kumpyansa ang pamahalaan na mananatiling maingat ang mga Pilipino sa pagsisimula ng local election campaign period.


Sinabi pa nito na magpapatuloy at hindi hihinto ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, lalo’t nananatiling on track ang gobyerno sa pag-abot nito sa target na 90 milyong fully vaccinated na mga Pilipino, bago matapos ang Hunyo 2022.

Facebook Comments