Earning money isn’t as easy as it seems; minsan mas madali pang gumastos kaysa sa mag-ipon ng pera. Kailangan natin mag-tipid lalo na kapag malapit na sweldo at nagigipit ka na ng landlady mo pero meron pang ibang paraan para makapag-ipon ng pera bukod sa kinikita mo kada buwan o sa pag-iipon ng baon.
Ito ang mga pwede niyong gawin para makapag-save naman ng extra money:
- Mag-tutor online
Pwede kang magturo ng English o Math sa mga elementary o highschool students, depende sa iyong expertise. Minsan kailangan din ng mga parents ang magtu-tutor sa anak nila lalo na kung bumabagsak na ang mga grades, diba? Pwede kang mag-offer ng tutoring services sa mga anak ng kasamahan mo o di kaya mga kapatid ng kaklase o kapitbahay mo.
- Magsimula ng online shop
Dahil madali nalang ngayon makagawa ng Facebook page or accounts sa mga online stores, pwede kang magsimula ng sarili mong buy and sell. Pwede kang magbenta ng mga gamit na napapanahon tulad ng payong ngayong tag-ulan o kaya naman mga costumes na pwedeng isuot ng mga estudyante sa mga events sa school. Marami kang pwedeng ibenta online basta malawak ang iyong target market at meron kang supplier.
- Ibenta ang mga lumang gamit
Meron ka bang mga gamit na hindi mo na ginagamit o kaya nama’y mga binili mong damit pero hindi mo naman ka-size? Don’t worry, pwede mo din yan ibenta online! Maraming websites and apps ang pwede mong gamitin para mabenta ang mga gamit mo. Bukod sa mga buy and sell groups sa Facebook, pwede ka din gumamit ng olx.ph o kaya naman ang app na Shopee, Carou-sell, at marami pang iba. Ito ang pinaka-madaling paraan para makaipon dahil nakapagbawas ka na ng gamit, nakaipon ka pa!
- Magsimula ng loading business
Hindi naman lahat ng kakilala mo ay naka-postpaid, minsan yung iba nahihirapan pang maghanap ng pagpapa-loadan. Pwede mong simulan ang paglo-load sa mga kaibigan, kaklase o kasamahan mo sa trabaho, pwede mo din ito simulan sa mga kapitbahay mo or makipag-partnership ka sa isang sari-sari store na hindi available ang load para ikaw ang ire-refer nila. Madali lang ‘to dahil ang kailangan mo lang ay puhunan at cellphone!
- Magbenta ng pagkain
Whether it’s pre-order or made to order, pwede kang magbenta ng pagkain sa room or sa office. Kung mahilig kang magluto or mag-bake, pwede mong ibenta ang mga gawa mo, mas madali din ito dahil pwede kang kumita ng mas malaki sa investment mo. Wala naman mas hihigit pa sa pagkaing gawa sa bahay.
Article written by Patrize Jasel Culang