Nakatanggap ng threat o banta sa buhay ang limang elected officials sa lalawigan ng Iloilo batay sa threat assessment na ginawa ng Iloilo Police Provincial Office o IPPO.
Hindi na inihayag ni IPPO Spokesperson PMaj. Rolando Araño kung sino ang mga elected official na nakatanggap ng threat dahil sa security reasons.
Sinabi ni Araño na isasailalim pa sa re-evaluation ang natanggap nilang impormasyon.
Bagama’t may banta sa buhay ang limang elected officials ay wala umanong “eminent threat” o seryosong banta laban sa kanila.
Dagdag ni Palomo, handa ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ang karagdagang security detail sa mga naturang opisyal kung kinakailangan.
Ang threat assessment ay ginawa ng kapulisan sa Region 6 kasunod ng mga naitalang serye ng pag-ambush sa ilang mga opisyal ng gobyerno sa bansa.