Apat, patay matapos mahulog ang sinasakyang truck sa Quezon, Bukidnon

Patay ang apat sa limang sakay ng isang truck kabilang ang isang barangay kagawad matapos itong mahulog sa pangpang bandang ala una ng hapon kahapon sa may Barangay Linabo, sa bayan ng Quezon, Bukidnon.

Kinilala ang mga biktima na silang Ronald Rene L. Pantua, drayber ng boom truck, Ricardo Saison, Alfredo Villamero, mga Job Order Employee ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Quezon at si Barangay Linabo Kagawad Eduardo Sereno Jr.

Basi sa report, papauwi na diumano ang mga biktima at binabaybay ng sinasakyang truck ang naturang daan ng biglang nawalan ng kontrol ang drayber sa minamanehu nito dahilan para mahulog sa pangpang ang truck.


Nagtamo ng grabeng sugat at injury sa katawan ang mga biktima dahilan sa pagkamatay habang ligtas naman ang isang sakay nito na kinilalang si Ronald Ratunil, na sa ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.

Dinala naman sa punerarya ang mga bangkay ng biktima habang panawagan ngayon ng polisya sa mga motorista at mga drayber na magdoble ingat sa pagmamanehO.

Facebook Comments