Nakatanggap ng tulongpinansyal ang limang rebeldeng New People’s Army mula sa gobyerno ng Zamoangadel Norte. Bawat isa aynakatanggap ng P20,000. Ayon kay Gov. RobertoY. Uy, ang assistance ay isang magandang panimula para sa kanila at nangmakapamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya. Ang naturang limang miyembro aysumuko sa Army’s 97th Infantry Battalion sa Manukan, Zamboanga del Norte noongSeptember 10. Naiturn-over rin ang walonganti-tank improvised explosives, isang Browning Automatic Rifle (BAR) at isangcaliber .30 M1 Garand rifle. Sinabi naman ni Lt. Col. JohnAndrada, commander ng Army’s 97th Infantry Battalion, makatatanggap ng tulongang lahat mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP)fund.
Pinurinaman ni Maj. Gen. Roberto Ancan, commander ng Army’s 1st Infantry Division andJoint Task Force Zampelan si Uy at ang pamahalaan ng Zamboanga del Norte parasa mga tulong pinansyal sa mga rebel returnees. -30- (Mardy D. Libres)
5 ex-NPA rebels nakatanggap ng cash aid mula sa gobyerno ng Zamboanga del Norte
Facebook Comments