Mag-ama suspek sa pananaksak sa isang magsasaka sa Bayambang Pangasinan

Sugatan ang isang magsasaka sa Bayambang Pangasinan matapos pagtulungang saksakin di umano ng mag-ama.
Kinilala ang mga suspek na si Edgardo Palsimol at ang anak nitong si Tommy Palsimol. Sa imbestigasyon ng awtoridad, nakisali si Edgardo sa inuman ng biktima at mga kaibigan nito ngunit nauwi sa hindi pagkakaunawaan.
Umuwi ang suspek sa kaniyang bahay at pagbalik nito kasama na niya ang kaniyang anak at pawang may hawak na patalim.
Nagtamo ng saksak sa kaliwang bahagi braso at kamay ang biktima na agad naisugod sa hospital.
Naaresto nga awtoridad si Edgardo ngunit ang anak nito ay nakatakas na pinaghahanap ng awtoridad. Haharap ang mag-ama sa kaukulang kaso.
###

Facebook Comments