5 kabataan, patay sa sunog sa Poland

Poland – Limang teenager ang patay habang isa ang sugatan sa sunog sa isang escape room Sa Kaszalin City sa Poland.

Ayon kay Interior Minister Joachim Brudzinski, ang mga biktima ay pawang mga babae ay nasa edad na labing lima habang ang nakaligtas na lalaki ay nasa 25-anyos na nagtamo ng mga paso sa katawan.

Nauuso ang escape room sa Poland na ginagawang game kung saan isang oras na ikukulong ang mga participant at binibigyan ng mga clues bago makalabas sa kuwarto.


Iniutos na ngayon ng State Fire Service ang pagsusuri sa mga escape room sa buong bansa at alamin ang kaligtasan ng mga ito sa lalo na sa sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments