Nagtataka ka ba kung bakit madaming mag asawa ang madalas nag hihiwalay? O ikaw mismo ay nagkaron ng failed relationship? Iniisip mo pa rin ba kung saan kayo nagkamali? Ito ang mga pwedeng dahilan kung bakit nag hihiwalay ang mga magkarelasyon.
Pagtataksil – Ito ang pinakauna sa mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga asawa. Ito ang pag kakarroon ng ibang karelasyon bukod sa iyong asawa. Dito mawawala ang tiwala ng iyong partner na mag dudulot ng paghihiwalay.
Problema sa Pera – Kahit na gaano pa kalalim ang pag sasamahan ng iyong asawa kung parehas naman kayong nag papadala sa problema sa pera, magkakaron at magkakaron talaga ng problema ang isang relasyon na pwedeng maging dahilan ng di pag kakaintindihan at hiwalayan.
Pananakit ng Pisikal – Ito ay isa sa mga maraming dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga mag asawa. Nag sisimula ito sa pagkawala ng respeto sa isa’t – isa na nag reresulta ng pananakit ng pisikal. Madalas mga kalalakihan ang gumagawa nito.
Hindi Pagkakasundo – Maraming mag asawa ang naghihiwalay dahil sa kadahilanang hindi sila nag kakasundo sa madaming bagay na dapat ay parehas sila ng pananaw.
Alak at droga – Isa ang bisyo sa maraming dahilan kung bakit nanawa at napapagod ang iyong karelasyon na nag reresulta ng hiwalayan. Yung tipong mas inuuna pa ang mga bisyo kesa sa mga gastusin sa bahay na nag dududlot ng away at pwedeng hiwalayan.
Article written by Beatriz Oliveros