5 lugar sa bansa apektado ng red tide

Limang lugar sa bansa ang idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic  Resources (BFAR) na apektado ng toxic red tide.

Base sa pinakahuling laboratory results  na inilabas ng BFAR at mga Local Government Units (LGUs), positibo sa paralytic shellfish poison.

Ang mga shellfish na nakukuha sa mga coastal waters ng  Puerto Princesa Bay sa  Palawan; San Pedro, Maqueda, Irong-Irong, Silanga at Cambatutay Bays sa  Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur at ang mga  coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.


Ibig sabihin, bawal ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga shellfish sa mga nabanggit na lugar dahil sa banta nito sa kalusugan.

Pero, ang Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental ay ligtas na sa toxic red tides.

Facebook Comments