Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 5 lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa moderate risk category.
Ito ay matapos tumaas ng 200% ang kaso ng COVID-19 sa naturang mga lugar.
Kabilang dito ang Quezon City, Pateros, Pasig, San Juan at Marikina.
Kinumpirma rin ni Vergeire na isang ospital sa National Capital Region (NCR) ang tumaas ng 50% ang hospitalization rate.
Ang naturang mga pasyente aniya ay mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na malabo pang ilagay sa Alert Level 2 ang NCR.
Facebook Comments