BSP Assistant Governor , kinumpirmang tinanggap niya ang BIR Chief post sa papasok na administrasyon

111

Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor at Chief Information Officer Lilia Guillermo na tinanggap niya ang alok na posisyon ng papasok na administrasyon.

Partikular ang pagiging pinuno ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng bagong administrasyon.

Ayon kay Guillermo, isang karangalan para sa kanya ang pagkatiwalaan ni President-elect Bongbong Marcos para pamunuan ang BIR.


Si Guillermo ay minsan na ring naging Deputy Commissioner ng BIR bukod sa nagsilbi na rin siya sa Budget Department.

Tiniyak din ng incoming BIR Commissioner na isusulong niya ang digitalization sa pagkolekta ng mga buwis para maiwasan ang korapsyon.

Facebook Comments