Cauayan City, Isabela-Limang miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng Lejo Cawilan Command ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Baggas ang iniatras ang kanilang suporta sa Communist Terrorist Group.
Ito ay matapos ang mahabang serye ng negosasyon ng mga awtoridad, Kalinga Returnees Association (KRA), mga miyembro ng kanilang pamilya sa pakikipagtulungan ng LGU Lubuagan.
Tatlo sa kanila ang kinilalang mga miyembro ng CTG na hindi nakalista sa PSR na walang armas at ang dalawang kasapi na pawang mga residente ng Lubuagan, Kalinga ay pormal na pinutol ang kanilang ugnayan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at pormal na bumalik sa pamahalaan sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang sarili sa Lubuagan Municipal Police Station, Kalinga noong Agosto 4, 2021.
Ang kanilang pag-atras ng suporta sa CPP / NPA / NDF ay pinangasiwaan ng Kalinga Police Provincial Office, RID PROCOR, RIU 14, 503rd Bde, 50IB, RMFB 15, 141 SAC-SAF, at CIDG Kalinga.
Ang limang pinaghihinalaang tagasuporta ay may kamalayan sa mapanlinlang na pamamaraan at masasamang taktika ng mga CPP-NPA at nabatid na ginagamit lamang sila para sa pakinabang ng organisasyong komunista ngunit wala silang nakuhang kapalit.
Binigyan umano sila ng tulong at suporta upang makakuha ng isang mapayapang buhay na humantong sa kanila na bawiin ang kanilang suporta.
Ang kusang pagsuko na ito ay nagpapatunay sa kanilang kusang-loob na suporta sa gobyerno sa hangarin ng kalayaan, kapayapaan at kaayusan.