Sunog – sumiklab sa isang ginagawang gusali sa Pasay City

Pasay City – Halos isang oras na tinupok ng apoy ang isang ginagawang gusali sa Barangay 183, Villamor, Pasay City.

Nagsimula ang sunog alas 3:33 kaninang hapon sa roof deck ng Sheraton Hotel na katabi lang ng Resorts World Manila.

Umakyat ang apoy sa ikalawang alarma na naapula alas 4:20 kaninang hapon.


Inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.

Facebook Comments