Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 72 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cauayan.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, pito (7) ang nagpositibo sa virus ngayong araw sa lungsod.
Nakategorya ito bilang si CV 3149, lalaki, 20-anyos, residente ng Barangay San Fermin kung saan nagkaroon ito ng direct contact kay CV 2962 at November 5, 2020 nang siya ay makaranas ng sipon kaya’t siya ay kinuhanan ng sample noong November 7, 2020 hanggang sa lumabas ang resulta ngayong araw.
Ikalawa, (CV 3228, CV 3229) ay mag-asawa, pawang residente ng Barangay Turayong at nagkaroon din ng travel history sa mga bayan ng Angadanan, Echague at Ilagan kaya’t ng makaramdam sila ng sintomas gaya ng ubo, sipon at pananakit ng kalamnan agad nila itong inireport sa ating City Health Office. Sila ay kinuhanan ng sample noong November 11, 2020 at ngayong araw ay lumabas ang resulta bilang positibo sa COVID-19. Sila ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Ang karagdagang dalawa naman (CV 3230, CV 3231) ay mga anak at direct contact nila CV 3228 at CV 3229. Sila ay agad ding kinuhanan ng sample noong November 11, 2020. Si CV 3230 ay nagkaroon ng lagnat samantalang si CV 3231 ay asymptomatic o hindi nag papakita ng sintomas ng COVID-19. Sila ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Kabilang din si CV 3240, lalaki, 5 months old, residente ng Barangay Cabugao. Siya ay nagkaroon ng ubo, lagnat at pagtatae noong November 8, 2020 hanggang sa isinangguni sa City Health Office noong November 9, 2020 bilang protocol siya ay isinailalim sa swab test ng kaparehong araw. Lumabas sa resulta na siya ay positibo sa COVID-19. Siya ay kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.
Panghuli po ay si CV 3243, lalaki, 82 years old, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay nakaranas ng paninikip ng dibdib habang siya ay naka-admit sa isang ospital, bilang protocol siya ay kinuhanan ng sample noong November 10, 2020 at ngayong araw lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19. Siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng isang Hospital isolation facility.
Muli namang nagpaalala ang mga health authority na ugaliin pa ring sumunod sa pinaiiral na batas ukol dito.