5 MSMEs sa San Mariano, Isabela, Tumanggap ng Livelihood Kits

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng mga livelihood kits ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa limang (5) MSMEs sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ang limang benepisyaryo na kabilang sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay tumanggap ng sari-sari store package na nagkakahalaga ng P8,000.00.

Ito ay sa ilalim pa rin ng Livelihood Seeding Program- Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) ng DTI.

Patuloy naman ang pag-iikot ng mga kawani ng DTI Isabela sa Lalawigan para hatiran din ng parehong tulong ang mga pili at kwalipikadong benepisyaryo.

Ang LSP-NSB ay isang programa ng DTI na naglalayong tulungan ang mga nagnenegosyo lalo na ang sektor ng MSME para makabangon mula sa epekto ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments