5 na Frontliners, Kabilang sa 14 na Nagpositibo sa COVID-19 sa Region 02!

*Cauayan City, Isabela- *Umakyat na sa labing apat (14) ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong Lambak ng Cagayan matapos na madagdagan ng tatlong (3) panibagong kaso.

Naidagdag sa 14 na kaso ang tatlong nagpositibo na sina PH 1180, 36 taong gulang na babae, PH1182, 30 taong gulang na lalaki, parehong health workers ng CVMC sa Tuguegarao City at si PH1261, 27 taong gulang na lalaki, isang Nurse ng R2TMC sa Nueva Vizcaya.

Sa isinagawang special coverage ng PIA Region 2 kaninang umaga, kinumpirma ni Dr. Leticia Cabrera, OIC Director III ng DOH 02, na limang (5) frontliners na ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa 14 na kabuuang kaso.


Ang apat (4) na health workers ay mula sa Tuguegarao City na nahawaan ni PH275 na kauna-unahang nagpositibo sa Rehiyon at kasalukuyang naka-admit sa CVMC habang si PH1261 ay na-infect sa quarantine area ng mga inasikasong umuwing OFW sa Capas, Tarlac.

Nilinaw ng DOH 02 na nasa maayos na kalagayan ang 5 health workers.

Samantala, nasa 250 ang kabuuang bilang ng mga Person’s Under Investigation (PUI) sa Lambak ng Cagayan, 47,083 na Person’s Under Monitoring (PUM), 141 ang mga nagnegatibo sa COVID-19 habang mayroong 35 na katao ang hinihintay pa ang lab results.

Facebook Comments