5% na positivity rate benchmark ng WHO, makakamit na sa Marso – OCTA Research

Nasa 6.8% na lamang ang naitatalang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA Research Group na malapit na ito sa itinatakdang benchmark na positivity rate ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay David, pagsapit ng Marso ay tiyak na nasa less than 5% na lamang ang positivity rate sa National Capital Region na nangangahulugang controlled na ang transmission ng virus sa isang lugar.


Samantala, base pa sa projection ng OCTA, aabot na lamang ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa less than 1,000 bago matapos ang buwan ng Pebrero habang sa buong bansa ay sasampa na lamang sa higit 3,000 at magtutuloy tuloy pa ito sa pagbaba.

Panawagan lamang ni David sa publiko na patuloy pa ring sumunod sa health protocols at huwag tuluyang magpapakampante lalo pa’t nananatili parin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments