Gobyerno, walang dapat panigan kaugnay sa girian ng Russia at Ukraine

Para kay Committee on Foreign Relations Chairman Senator Koko Pimentel, walang dapat panigan ang ating gobyerno kaugnay sa girian sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil ito ay napakakomplikadong geo political at historical issue.

Giit ni Pimentel sa pamahalaan, pagtuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Ukraine.

Iminungkahi rin ng senador na manawagan tayo sa lahat ng bansa na iwasan ang paggamit ng puwersa laban sa ibang bansa at iwasan ang kahit pagbabanta na gagamit ng puwersa.


Binigyang-diin ni Pimentel na lahat ng isyu sa pagitan ng mga bansa ay dapat na resolbahin sa pamamagitan ng United Nations System.

Facebook Comments